AMAYA: PAGSILIP SA LIPUNANG PILIPINO NOONG IKA-16 NA DANTAON
O Kung Bakit Dapat Panoorin at Suportahan ng mga Pilipino, lalo na ng mga Guro at Mag-Aaral ng Kasaysayan ang Epikseryeng “Amaya” ng GMA7.
“Iisa lang ang adhikain ng mga gumawa ng Amaya: Ipakita na ang Pilipinas, bago pa man nasakop ng kastila ay may sarili nang mayamang tradisyon at kultura.” – Suzette Doctolero
“For a historical fiction-based story that has never been tried on Philippine television before, it’s daring in terms of epic scope. Meaning, even if the central love story or drama is fiction, everything surrounding it is based on history – from culture, customs, demeanor to look.” - Direk Mac Alejandre
“Mahalagang palabas na ito dahil pinapaksa nito ang ang ika-16 dantaong kalinangang Pilipino sa Visayas. Fictional ang kwento at sumasakay sa pang-uniberal na tema ng pag-ibig, pagkapuot, tunggalian sa kapangyarihan, etc pero nakapatong ito sa partikularidad ng ating kalinangang maritimo at kamalayan sa pangangayaw at pangungubat na mahalaganga batayan sa pag-unawa ng kasaysayang Pilipino – Dr. Vic Villan
Mamayang gabi, mapanood na ng buong bansa ang pinakahihintay na epikserye ng GMA7 na AMAYA na inilarawan bilang "the most expensive and grandest show that the Kapuso Network is producing" at kinilala bilang " the one that would revolutionize the landscape of Philippine TV".
Malaking produksiyon. Pinagkagastusan. Makasaysayan. At sa wika nga ng mga kabataan ngayon, masasabing...“Wow, Epic!”
Kabisayaan noong ika-16 na dantaon ang setting ng palabas na umiikot sa kuwento ni AMAYA, isang prinsesa na naging alipin, mandirigma at mamumuno sa kanyang bayan, o banwa. Paliwanag ng headwriter at bumuo ng kuwento at konsepto ng palabas na si Suzette Doctolero: “Historical fiction ho ang Amaya. 1500's po ito. Noong panahong ang (tabing) dagat ang pinakamainam na tirahan ng ating mga ninuno. Dahil historical fiction ito, ginamit ko ang character ng isang binukot bilang main character sa amaya. isang binukot at ang kanyang journey to fulfill her destiny (hindi bilang magiging asawa lang, kungdi isang babaing pinuno). kung paano mangyayari iyon, na ang isang binukot ay naging warrior, yun po ang kwento.”
Isang taon ang inabot ng pananaliksik at pag-iisip bago tuluyang maging ganap na proyekto ng GMA7 ang Amaya. Sa payo ng ilang mga histoyador sa UP Diliman, napiling pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng isang “historical fiction” na magpapakita ng kulturang Pilipino bago ang kolonisasyon. Serye ukol kay Lapu-Lapu ang unang naging plano na gawin.
Binubuksan ng palabas na ito ang maraming pintuan upang ating makita o masilip at tuluyang pasukin ang bahagi ng ating kasaysayan, bilang isang bansa, na hindi pa natin ganap na nalalaman at nauunawaan -- ang malawak at mahabang sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Bahaging malabo sa ating imahinasyon, o hindi pa nga bahagi ng ating kamalayan. Gamit ang bisa at kapangyarihan ng media, ng telebisyon, ng makabagong teknolohiya, ang AMAYA ay isang makabuluhan at matapang na pagtatangkang baguhin ang ating pananaw at pagyamanin ang ating kaalaman sa ating nakaraan, sa ating kasaysayan.
Dahil sa paggamit sa kasaysayan at kultura ng Kabisayaan noong panahong prekolonyal, bilang batayan sa hinabing kuwento ni AMAYA, inaasahang samu’t sari at iba-ibang usapin, debate at diskusyon ang mabubuksan. Narito ang ilang paglilinaw, mula mismo sa bumuo ng konsepto ng AMAYA, si Suzette Doctolero:
“Hindi ko po ginawa ang Amaya para lang sa pera. Otherwise, sana nag stick ako sa formula na lang ng iyakang soap kasi mas madali itong gawin kesa ubusin ko ang isang taon ko sa pagreresearch lang. Ginawa ko po ang Amaya dahil ako po ay may pagmamahal sa bansa ko at gusto kong ipakita na ang Pilipinas, specifically ang Visaya, kung saan ako nagmula, ay may mayaman at magandang kultura na ..bago pa dumating ang mga mananakop. Hindi po pera pera lang ito. Lalot hindi kami sigurado na ang genre na ganito ay papanoorin. Lalot heavy stuff ang paksa. Unlike kung simpleng dramahan lang like Mara Clara na patok agad sa audience at nagra rate. Itong Amaya, unang pagsubok ng historical fiction na genre. Kaya hindi pa subok kung ito ay kakagatin ng tao lalot may layon na maging medyo educational siya. Kaya ito po ay ginawa hindi lang sa pera. Pagsusulat po ito na may kasamang kaluluwa.
“..sa 90 million na Filipino-- ilang porsyento lang ba ang nakakaalam na may tradisyung ganito pala ang mga Pinoy? Re amaya---ive wanted to do a historical fiction na ang setting ay pre hispanic philippines. Thing is, hindi kumpleto ang tala hinggil sa pre hispanic times natin lalot mas oras tradition tayo -- so mas maraming nasusulat na facts about visayas pre hispanic times lalot may mga tala si pigafetta, na kinalat ni william henry scott sa kanyang librong barangay (na siyang bibliya ng amaya). Dahil Visayas ang setting namin, ginamit ko ang binukot (sa huling pagkakaalam ko, ang panay o iloilo ay nasa Visayas pa rin, unless, nag-iba na geography natin? :)). Bakit hindi ko gagamitin ang binukot? Lalo't napaka fascinating na may ganito palang tadisyon ang kabisayaan? hindi namin binanggit ang panay-- lalot ang pagbibinukot ay nag spread out din naman sa buong kabisayaan (may mga binukot din naman sa cebu-- na nakatala sa chronicles ni pigafetta) - basta anak ng datu, o tumao, ginagawang binukot. lalot big time ang bugay (bride price) nito. now, kung paanong naging warrior ang isang binukot--- hayaan nyong isalasaysay ng soap. Hindi pwedeng matigas agad, na hindi pwedeng maging warrior ang binukot? hahaha ayokong patayin sa boredom ang audience na binukot lang siya all throughout the series-- aba, anong kwento? may kwento. at yun ay kung paanong ang binukot ay naging slave,, alabay-- to babaylan-=- to warriror--- to being a female leader. Aba, manood po tayo. :P
“Lahat ng ganimit namin, character model, ibang terms, puro kabisayaan ang pinagmulan. Note: Bisaya. Kabisayaan. Sakop nito ang mga tradisyun sa Panay (binukot at Hinilawod-- dahil may scene na kinakanta ni Amaya ang Hinilawod), sa Cebu (babaylan, paniniwala sa kambal ahas, pagtira sa tabi ng dagat), paniniwala sa mga diwata, sa mga umalagad-- itoy tradisyong Visaya.
“...ang character na si Amaya ay isang binukot na nakatira sa isang banwa na ahop ni Datu Bugna (o hindi ba nanapaka generic?). Ayaw naming magkamali, na gagamit ng isang lugar lang, ginamit namin ang lahat ng magagandang tradisyun at paniniwala sa ibat ibang pook/lugar sa Visayas at ipinasok sa isang soap na magtatanghal kahit paano sa pre hispanic Visayas.
“Iisa lang ang adhikain ng mga gumawa ng Amaya (mapa writers, director etc): Ipakita na ang Pilipinas, bago pa man nasakop ng kastila ay may sarili nang mayamang tradisyun at kultura. Iyon lang. By the time ipalabas ang Amaya, sigurado ako, marami ang magkaka interes na mag research about binukot....o iba pang aspeto na ipapakita sa soap. Kugn mangyari iyan, hindi ba maganda? So i dont think me problema tayo. Unless, magpapaka regionalistic tayo masyado--- na hindi naman nais o layon ng soap. Ang gusto namin, maging pro Philippines tayong lahat.
“Ang storlyline ng Amaya ay hindi "binukot women are from central visayas"... Ang storyline ko: kwento ng isang binukot, sa panahon ang mga lalaki ang political leader, at kung paanong ang binukot na ito, ay maging isang warrior/leader- at a time na hindi maaaring maging leader warrior ang isang babae. Binukot ang ginamit ko dahil maaaring prize possesion sila ng kanilang ama, pero considered "weak" sila. so interesting gawing strong ang isang weak. Fictional ito ha. Hindi kami nagki claim na documentary siya. O historical talaga. We always say na historical fiction siya. Malinaw iyan.
“The binukot episodes will only run for a week or so Not more than 2 weeks) where the young amaya is being thought how to weave, chant epics (hence the use of Hinilawod-- mula sa Panay uli, in its original language---hopefully di macut--- now young Amaya reciting the Hinilawod. We used all written materials from different parts ng Visayas and we weaved it in our story. Walang masama doon. Lalot makakadagdag sa adhikain na ipakita na ang Pinas ay may kultura at paniniwala na bago pa dumating ang mga espanyol. For me to stick to only one island in the Visayas is to limit myself sa existing materials or records ng pre hispanic Visaya. Masyadong limiting yun. Lalot limitado din naman ang records per island. Thats why weve used all available materials, information, sa ibat ibang parte ng Kabisayaan (kaya nga ginamit din ang binukot) sa kwento. Note: ang paggamit ng baybay dagat bilang tirahan sa Amaya ay desisyung kailangang gawin, bilang mas visual ang dagat, at bilang isa ring paraan para ipakita ng kahalagahan ng dagat noong pre hispanic Phils (may mga binukot din sa Samar Leyte, na nakita ng mga espanyol noong una silang dumating dito-- at baybay dagat ito). Ang baybay dagat kasi ang preferred tirahan ng karamihan lalot ibang klase ang kaalaman ng mga Visaya sa boat building at navigation sa dagat (kung sa bundok ako, paano ko ipapakita iyon?). The point is, to use all available material sa buong Visayas at gamitin sa kwento. Kesa mag stick sa isang isla o lugar lang na hindi rin naman kumpleto ang historical records.”
Panoorin ang isang kuwentong hinabi batay sa kaligirang pangkasaysayan ng Kabisayaan noong ika-16 na Dantaon. Mamangha sa paggamit ng mga konsepto at detalye sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas na nababasa lamang sa textbook (kung nababanggit man).
Sa mga guro at mag-aaral, at nagmamahal/nagpapahalaga sa Kasaysayan, suportahan po natin ang AMAYA ng GMA7, isang malaking ambag sa ating kaalaman at kamalayan sa ating nakaraan. Dahil dito, KAPUSO na ako!
Sige, gumawa tayo ng listahan ng mga dahilan kung bakit ito dapat tangkilikin ng ating bayan! (Mula sa blog, facebook, atbp.)
1) Jonathan Balsamo (Philippine Historical Association): “Nakatutuwang isipin pa na maraming Pilipino ang walang alam o di alam ang kasaysayan ng Pinas bago magsulat ang mga Kastila.... kaya WOW ang ginawang ito ng GMA7, sana masundan pa! Kinilabutan ako kanina sa preview dahil naipasok sa palabas ang mga konsepto at detalyeng pangkasaysayan sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas, o ng mundo ng mga ninuno natin noon (dahil wala pa ngang konsolidasyon/integrasyong pambansa noon). Naiintindihan kong kinailangan ng magandang kuwentong hahatak ng interes ng manonood, habang nagkakaroon ng pagtatangkang ipakita ang isang rekonstruksiyon o interpretasyon. batay sa kaligirang kasaysayan, ng sinaunang lipunan na mayroon sa ating bansa. ASTIG! Lagpas na sa usapin ng ratings ang halaga nito, pero higit ay ang pagpapalakas sa interes sa kasaysayan at kultura ng ating mga kababayan, na maaring maging umpisa upang makilala natin at mahalin ang ating bayan. Salamat po! at sa commitment ng GMA7 sa proyektong ito. Laking tulong para sa mga guro natin ng kasaysayan!
2) Vicente Caluba Villan (UP Diliman History Department): “ mahalaga tong palabas na to dahil pinapaksa nito ang ang ika-16 dantaong kalinangang Pilipino sa Visayas. fictional ang kwento at sumasakay sa pang-uniberal na tema ng pag-ibig, pagkapuot, tunggalian sa kapangyarihan etc pero nakapatong ito sa partikularidad ng ating kalinangang maritimo at kamalayan sa pangangayaw at pangungubat na mahalaganga batayan sa pag-unawa ng kasaysayang Pilipino
3) Tara Reyes (Bagong Kasaysayan, Inc.): Friends, pls. watch Amaya on may 30 GMA channel 7. Kaisang-isang beses na nag-promote ako ng teleserye kaya alam niyo na! Magaling ang kinuha nilang consultant sa Kasaysayan. Dalawin ang fb page nila para sa background ng mga kultural na konsepto ng sinaunang mga Pilipino. Yey sa GMA sa pag-invest sa mga palabas na DAPAT PINAPANOOD SA KABATAANG PILIPINO!
4) Ian Alfonso (Holy Angel University): At least hindi na mahihirapan ang mga guro ng kasaysayan sa pagpapaliwanag ng matandang Pilipinas dahil sa Amaya ng GMA 7! tiyak papatok yan. Maniwala kayo at tingnan nyo kung paano mababago muli ng GMA ang kasaysayan ng telebisyon. Mapangahas at kritikal ang pinasok niyo pern kailangang simulan na. Hehe. Ihanda lamang ang mga sarili ninyo sa constructive crticsms ng mga historyador at iskolar ng kasaysayan. Kapanalig nyo ang malaking bahagi ng lipunan - ang edukasyon. Kaya maraming manunuod
5) Xiao Chua (De La Salle University History Department): BINUKOT ANG CODE NAME KO PARA SA MAGANDA AT MAPUTING BABAE. Natutunan ko ito sa mentor kong si Dr. Vicente Caluba Villan, isang Historyador Ng Bayan. Ngayon, hindi ko na siya pwedeng gawing code name dahil malalaman na ng madla ang kahulugan nito, at nang iba pang mga termino mula sa kabihasnang Bisaya katulad ng Hangaway, Timawa, Mangubat, Bagani, Pungsod, Banua, Uripon, Kalag, Bulawan, Karakoa na natutunan ko mula sa kanya. sa preview ng Amaya noong Biyernes, hindi ako makapaniwala! Ang aming pinangarap na mga aral na ipalaganap tulad ng kabihasnang Pilipino lalo sa Kabisayaan, ang galing natin sa paglalayag at pakikidigma (pangungubat, pangangayaw) at patunayan na may kultura tayo noon at hindi tayo bobo, ay nakikita kong isinasadula sa aking harapan ng mga sikat na artista.
Bagama't kathang isip ang kwento, ang kultura at historical background ay mas o menos swak sa kasaysayan. Commendable ang pagrespeto sa kakayahan at gawain ng mga historyador na sa aking palagay ay binigyan ng tamang kompensasyon, at hindi lamang token na pakikinig sa kanila kundi pagsama sa mga historyador sa tapings. Hamon ito sa iba pang TV networks. Handa naman kaming mga historyador na makipagtulungan sa inyo, kapit bisig tayo dahil kapag naging proud tayo sa kultura natin, mas sasaya tayo sa pagpapagal para sa Pilipinas!
Kaya naman aking inirerekomenda na panoorin ang Amaya ng aking mga estudyante, kaguro at kaibigan, sapagkat nadama ko sa panonood nito na nirespeto kaming mga historyador, at nirespeto ang manonood na Pilipino sa pagbibigay ng isang kaaaliwan ngunit matalinong palabas.
6) Ros Costelo (UP Los Banos) - Isa akong kapamilya pero hinding-hindi ko papalampasin ang Amaya. Sa mga estudyante kong nagtitext sa akin about this show, alam nyo na. Sabay-sabay tayong matuto ng sinaunang kasaysayan at kalinangang Pilipino sa palabas na ito.
*Galing ang mga paglilinaw ni Ms Suzette Doctolero sa http://www.facebook.com/note.php?note_id=10150185850093640 kung saan makitid ang pagpuna nila sa paggamit sa binukot bilang bahagi ng kuwento ng AMAYA.