Friday, December 23, 2011

XIAO CHUA @ GSIS MUSEUM: SI RIZAL NG PARISIAN LIFE

Okay, simula raw ngayong taon, wala na raw ang Annual Rizal Lecture kapag Rizal Day. Mas nakikita yata nila ang boring na pagbabasa ng mga papel ukol kay Rizal KAYSA sa PAGKAKAROON ng PATULOY na TALASTASAN ukol kay Rizal at sa Kasaysayan. Sayang.

Anyway, may lecture si Xiao sa GSIS Museum ukol kay Rizal at sa Parisian Life ni Juan Luna. Gaganapin ito sa December 24, 12nn-4pm.

Heto ang pabatid-paanyaya mula kay Xiao: "GSIS MUSEUM OF ART invites you to a free lecture to close the Rizal sesquicentennial year of the museum. Si Xiao Chua (Michael Charleston Briones Chua) ay magbibigay ng isang presentasyon, "SI RIZAL NG 'PARISIAN LIFE': Iba't Ibang Pananaw at Chika Kay Jose Rizal" sa 29 Disyembre 2011, Huwebes, 12nn - 4pm sa GSIS Museo ng Sining. May libreng pagpapalabas pelikula rin ng pelikula ni Matt Baguinon, "Ang Tao sa Piso" bago ang lektura. Ang dokumentaryo ay nagkamit ng unang gantimpala sa Howie Severino docufest at ang direktor nito ay binigyan ng natatanging banggit ng Palasyo ng Malacanang. Handog sa inyo ng GSIS Museum sa pamumuno ni Direktor Ryan Palad. Baka isa rin ito sa mga huling lektura na mangyari sa harap ng "Parisian Life" ni Juan Luna kung matutuloy ang pag-alis nito sa GSIS."

PUNTA NA! Makinig at makipagtalastasan! Huwag palampasin ang pagkakataong ito na mapalawak at mapalalim pa ang iyong kaalaman at kamalayan sa kasaysayan! :)

Kumpirmahin ang inyong pagdalo sa: http://www.facebook.com/events/259947640734305/