Tuesday, March 15, 2011

Baguio 2010


48th National Rizal Youth Leadership Institute (NRYLI) Conference
December 16-18, 2010
Teachers Camp, Baguio City
Theme: The New Rizals: ELIAS (Emerging Leaders Innovating Across Sectors)


Bago matapos ang 2010 ay muli akong nakaakyat sa Baguio para sa taunang kumperensiya ng Order of the Knights of Rizal sa Teachers Camp. Muli akong nakasama sa NRYLI sa pamamagitan ni Sir Edgar Rosero, Administrative Officer ng Knight of Rizal, kung saan ay kinuha niya akong hurado para sa essay writing contest sa High School level.

Unang beses akong nakasama at naghurado sa NRYLI noong 2006 nang isinama ako ni Dean Amalia Rosales ng PUP, na aking nanay-nanayan noong estudyante pa ako sa aking sintang paaralan, ang PUP. Nanghihinayang ako na noong college ako ay hindi ako nakadalo sa NRYLI.

Habang nasa Baguio, kinontak ko ang kaibigang si Adonis Elumbre na nagtuturo ng kasaysayan sa UP Baguio. Nagkita kami sa SM Baguio at nagpasiyang magkape sa Session
Road. Dadalhin niya sana ako sa museum ni Bencab kaya lamang ay hapon na at baka mahirapan kami sa sasakyan pauwi.

Naisip naming kumain na lamang at dinala niya ako sa Oh My Gulay! Isang art gallery at vegetarian resto sa Baguio na pagmamay-ari ng film maker na si Kidlat Tahimik. Kung kilala ninyo ako, alam ninyo ang oorderin ko: Spaghetti! :)


Nagkape kami at nagkuwentuhan ukol sa mga bagay-bagay sa mundo ng kasaysayan --- buhay-historyador, pagtuturo, pati si Rizal ay napag-usapan namin.

Mula sa aming puwesto ay ito ang makikita:

Hanggang sa mag-gabi:





Burnham Park sa gabi.

Bago kami nagkita ni Adonis, naglibot-libot muna ako sa Baguio. At ito ang ilan sa mga nakita ko:


Session Road Marker

Sabi ng wikipedia: "Session Road derives its name from the fact that it used to lead up to the old Baden-Powell Hall, where the first Philippine Commission held its sessions from April 22 to June 11, 1904 and officially initiated the use of Baguio as the Philippine Summer Capital. A marker by what is now Baden-Powell Inn, right beside the enormous bus terminals on Governor Pack Road, stand as the only visible evidence that anything of historical significance ever took place on Session Road."

Baguio-Mountain Provinces Museum

Diorama ng "Bodong" ng Kalinga


Sa huling araw ng kumperensiya, nagtungo sa Rizal Shrine ang mga delegado upang mag-alay ng bulaklak at magbigay-pugay sa alaala ni Rizal. Upang ipakita na mahalaga ang "pagkilos" o "aksiyon" sa pagsunod sa mga aral ni Rizal, pinangunahan ng pamunuan ng Knights of Rizal ang paglilinis sa dambana. Ang sama-samang paglilinis na ito ay simbolo ng sama-samang pagkilos para sa pagbabago at ikagaganda ng kalagayan ng Pilipinas.


Kasama ko sa Textbook House ang mga beterano ng Knights of Rizal na naging kakuwentuhan sa maraming aral ng buhay at kasaysayan. Minulto nga pala kami sa Textbook house!


Sinisikap kong maaga gumising upang libutin ang Teachers Camp:


Ilan pang kuha noong kumperensiya:

with Supreme Court Spokesperson Midas Marquez

Ilocos Sur Vice Governor Jerry Singson,
Supreme Chancellor ng Order of the Knights of Rizal

Seremonya sa pagbubukas ng kumperensya

Dr. Amalia Rosales and Prof. Childa Magallanes


Sirs Valentin, Manny Calairo, Choy Arnaldo, Reghis Romero at SonnyChico

with Dean Manny Calairo of De La Salle University Dasmarinas

with the officers of the Order of the Knights of Rizal led by Supreme Commander Pablo Trillana III (3rd from the right)


Maraming aral na iniwan si Rizal na maaring maging gabay ng mga kabataan sa ngayon. Hindi lamang pagkilala kay Rizal ang kabuuan ng kumperensiya. Pagkilala itong higit sa sarili ng mga kabataang dumalo -- pagkilala sa kanilang sarili bilang kinabukasan ng bayang ito.

Malaking hamon sa lahat ay kung paaano maisasabuhay ang mga aral at kaisipan na pinamana sa atin ni Rizal.


Seminar sa Pagtuturo ng Kasaysayan sa Valenzuela (2010)


Bilang bahagi ng pagdiriwang ng History Week 2010, ang Philippine Historical Association ay nagsagawa ng seminar sa pagtuturo ng Kasaysayan sa Lungsod Valenzuela sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlungsod ng Valenzuela at DepEd Valenzuela.

Ginanap ito noong Setyembre 21 sa ikalawang palapag ng Museo Valenzuela. Nakasama ko rito sina Dr. Gloria M. Santos, Dr. Teofista Vivar. Kasama rin si KC Ramos na dati kong kasamahan sa Ateneo High School.

Dumalo sa seminar sina Fr. Mar Arenas, pangulo ng Valenzuela Cultural and Historical Foundation, at ang Division Superitendent ng DepEd Valenzuela na si Dr. Flordeliza Mayari. Ang mga dumalo sa seminar ay mga principal at guro mula sa mga pampublikong paaraalan sa Lungsod ng Valenzuela

Maraming salamat kay G. Barce DeSotto ng Valenzuela Cultural and Tourism Office na siyang nag-coordinate ng seminar sa pamahalaang panlungsod.




Jonathan Balsamo

Dr Teofista L. Vivar


Dr. Gloria Martinez-Santos


Dr. Flordeliza Mayari
Superintendent ng DepEd Valenzuela

Fr. Mar Arenas
Pangulo ng Museo Valenzeula Foundation

Ginoong Barcelito De Sotto
Head ng Cultural and Tourism Office ng Lungsod ng Valenzuela



Friday, September 25, 2009

Kumperensiya ng ADHIKA sa Iloilo 2009

First time kong makapunta ng Iloilo. At nangyari ito sa 4th Regional Conference ng ADHIKA-Iloilo nitong Setyembre 17-18, 2009 sa Guimbal, Iloilo, kasama sina Raymund Alunan ng Negros Museum, Dr. Floro Quibuyen, Dr. Ferdinand Llanes at Dr. Nilo Ocampo.

Kasabay ito ng kumperensiya ng PHA sa National Museum na akin ding inaasikaso bilang punong-abala. Naroon naman ang ibang mga opisyal ng PHA na handang mag-asikaso sa kumperensiya, gaya nina Jerome Ong, Xiao Chua at Darlene Espena.

Ang tema ng kumperensiya ng dalawang araw na kumperensiya ay “Social Science/Studies and History Teacher in the Face of the Global Challenges: Initiatives, Innovations, Interdisciplinarities”. Ang tuon ng mga papel at presentasyon ay ang pagpapabuti sa kalidad ng guro at pagtuturo ng kasaysayan/ araling panlipunan/ agham panlipunan, sa pamamagitan ng pagpapayaman/pagpapalawak/pagpapalalim sa nilalaman/paksa at pamararaan/istratehiya sa pagtuturo ng kasaysayan. Ang aking presentasyon ay pinamagatan kong "Pagtuturo ng Kasaysayan ng Himagsikang Pilipino: Mga Pananaw at Pamamaraan sa Paggamit ng Primaryang Batis” kung saan ay hinimok ko ang mga guro na subukan at sikaping gumamit ng mga primaryang batis (primary sources) sa pagtuturo ng kasaysayan. Nagpakita ako ng halimbawa ng mga materyales na magagamit nila sa pagtuturo ng kasaysayan ng Himagsikang Pilipino, tulad ng mga mga mapa, larawan at iba pa.

Ginanap ang kumperensiya sa RACSO’s Woodland Resort and Convention Center, sa Guimbal, Iloilo. Nagkaroon din ng lakbay-aral sa bayan ng Guimbal at Miag-ao sa ikalawang araw ng kumperensiya.

Maraming-maraming salamat sa mga opisyal ng ADHIKA-ILOILO, lalo na kina Randy Madrid at James Mozart Amsua na naging sobrang maasikaso sa amin.


Jonathan Balsamo, Floro Quibuyen, Ferdinand Llanes, at Nilo Ocampo
(kuha ng parish priest ng Alimodia, Iloilo)


Ang plaza ng bayan ng Alimodian


Dr. Floro Quibuyen



Dr. Nilo Ocampo at Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Rizal



Nilo Ocampo, Jonathan Balsamo at Raymond Alunan




Mga opisyal ng Adhika-Iloilo Chapter kasama sina Dr. Ferdie Llanes, Raymond Alunan at Jonathan Balsamo



Si Raymund Alunan ng Negros Museum Bacolod City



Dr. Nilo Ocampo



Dr. Nilo Ocampo at Jonathan Balsamo


Dr. Ferdinand Llanes at Jonathan Balsamo



Dr. Floro Quibuyen


Dominique Maquiran, Jonathan Balsamo, Randy Madrid, Floro Quibuyen, Nilo Ocampo at Joel Labos