Tuesday, March 15, 2011

Baguio 2010


48th National Rizal Youth Leadership Institute (NRYLI) Conference
December 16-18, 2010
Teachers Camp, Baguio City
Theme: The New Rizals: ELIAS (Emerging Leaders Innovating Across Sectors)


Bago matapos ang 2010 ay muli akong nakaakyat sa Baguio para sa taunang kumperensiya ng Order of the Knights of Rizal sa Teachers Camp. Muli akong nakasama sa NRYLI sa pamamagitan ni Sir Edgar Rosero, Administrative Officer ng Knight of Rizal, kung saan ay kinuha niya akong hurado para sa essay writing contest sa High School level.

Unang beses akong nakasama at naghurado sa NRYLI noong 2006 nang isinama ako ni Dean Amalia Rosales ng PUP, na aking nanay-nanayan noong estudyante pa ako sa aking sintang paaralan, ang PUP. Nanghihinayang ako na noong college ako ay hindi ako nakadalo sa NRYLI.

Habang nasa Baguio, kinontak ko ang kaibigang si Adonis Elumbre na nagtuturo ng kasaysayan sa UP Baguio. Nagkita kami sa SM Baguio at nagpasiyang magkape sa Session
Road. Dadalhin niya sana ako sa museum ni Bencab kaya lamang ay hapon na at baka mahirapan kami sa sasakyan pauwi.

Naisip naming kumain na lamang at dinala niya ako sa Oh My Gulay! Isang art gallery at vegetarian resto sa Baguio na pagmamay-ari ng film maker na si Kidlat Tahimik. Kung kilala ninyo ako, alam ninyo ang oorderin ko: Spaghetti! :)


Nagkape kami at nagkuwentuhan ukol sa mga bagay-bagay sa mundo ng kasaysayan --- buhay-historyador, pagtuturo, pati si Rizal ay napag-usapan namin.

Mula sa aming puwesto ay ito ang makikita:

Hanggang sa mag-gabi:





Burnham Park sa gabi.

Bago kami nagkita ni Adonis, naglibot-libot muna ako sa Baguio. At ito ang ilan sa mga nakita ko:


Session Road Marker

Sabi ng wikipedia: "Session Road derives its name from the fact that it used to lead up to the old Baden-Powell Hall, where the first Philippine Commission held its sessions from April 22 to June 11, 1904 and officially initiated the use of Baguio as the Philippine Summer Capital. A marker by what is now Baden-Powell Inn, right beside the enormous bus terminals on Governor Pack Road, stand as the only visible evidence that anything of historical significance ever took place on Session Road."

Baguio-Mountain Provinces Museum

Diorama ng "Bodong" ng Kalinga


Sa huling araw ng kumperensiya, nagtungo sa Rizal Shrine ang mga delegado upang mag-alay ng bulaklak at magbigay-pugay sa alaala ni Rizal. Upang ipakita na mahalaga ang "pagkilos" o "aksiyon" sa pagsunod sa mga aral ni Rizal, pinangunahan ng pamunuan ng Knights of Rizal ang paglilinis sa dambana. Ang sama-samang paglilinis na ito ay simbolo ng sama-samang pagkilos para sa pagbabago at ikagaganda ng kalagayan ng Pilipinas.


Kasama ko sa Textbook House ang mga beterano ng Knights of Rizal na naging kakuwentuhan sa maraming aral ng buhay at kasaysayan. Minulto nga pala kami sa Textbook house!


Sinisikap kong maaga gumising upang libutin ang Teachers Camp:


Ilan pang kuha noong kumperensiya:

with Supreme Court Spokesperson Midas Marquez

Ilocos Sur Vice Governor Jerry Singson,
Supreme Chancellor ng Order of the Knights of Rizal

Seremonya sa pagbubukas ng kumperensya

Dr. Amalia Rosales and Prof. Childa Magallanes


Sirs Valentin, Manny Calairo, Choy Arnaldo, Reghis Romero at SonnyChico

with Dean Manny Calairo of De La Salle University Dasmarinas

with the officers of the Order of the Knights of Rizal led by Supreme Commander Pablo Trillana III (3rd from the right)


Maraming aral na iniwan si Rizal na maaring maging gabay ng mga kabataan sa ngayon. Hindi lamang pagkilala kay Rizal ang kabuuan ng kumperensiya. Pagkilala itong higit sa sarili ng mga kabataang dumalo -- pagkilala sa kanilang sarili bilang kinabukasan ng bayang ito.

Malaking hamon sa lahat ay kung paaano maisasabuhay ang mga aral at kaisipan na pinamana sa atin ni Rizal.


No comments:

Post a Comment