Friday, September 25, 2009

Kumperensiya ng ADHIKA sa Iloilo 2009

First time kong makapunta ng Iloilo. At nangyari ito sa 4th Regional Conference ng ADHIKA-Iloilo nitong Setyembre 17-18, 2009 sa Guimbal, Iloilo, kasama sina Raymund Alunan ng Negros Museum, Dr. Floro Quibuyen, Dr. Ferdinand Llanes at Dr. Nilo Ocampo.

Kasabay ito ng kumperensiya ng PHA sa National Museum na akin ding inaasikaso bilang punong-abala. Naroon naman ang ibang mga opisyal ng PHA na handang mag-asikaso sa kumperensiya, gaya nina Jerome Ong, Xiao Chua at Darlene Espena.

Ang tema ng kumperensiya ng dalawang araw na kumperensiya ay “Social Science/Studies and History Teacher in the Face of the Global Challenges: Initiatives, Innovations, Interdisciplinarities”. Ang tuon ng mga papel at presentasyon ay ang pagpapabuti sa kalidad ng guro at pagtuturo ng kasaysayan/ araling panlipunan/ agham panlipunan, sa pamamagitan ng pagpapayaman/pagpapalawak/pagpapalalim sa nilalaman/paksa at pamararaan/istratehiya sa pagtuturo ng kasaysayan. Ang aking presentasyon ay pinamagatan kong "Pagtuturo ng Kasaysayan ng Himagsikang Pilipino: Mga Pananaw at Pamamaraan sa Paggamit ng Primaryang Batis” kung saan ay hinimok ko ang mga guro na subukan at sikaping gumamit ng mga primaryang batis (primary sources) sa pagtuturo ng kasaysayan. Nagpakita ako ng halimbawa ng mga materyales na magagamit nila sa pagtuturo ng kasaysayan ng Himagsikang Pilipino, tulad ng mga mga mapa, larawan at iba pa.

Ginanap ang kumperensiya sa RACSO’s Woodland Resort and Convention Center, sa Guimbal, Iloilo. Nagkaroon din ng lakbay-aral sa bayan ng Guimbal at Miag-ao sa ikalawang araw ng kumperensiya.

Maraming-maraming salamat sa mga opisyal ng ADHIKA-ILOILO, lalo na kina Randy Madrid at James Mozart Amsua na naging sobrang maasikaso sa amin.


Jonathan Balsamo, Floro Quibuyen, Ferdinand Llanes, at Nilo Ocampo
(kuha ng parish priest ng Alimodia, Iloilo)


Ang plaza ng bayan ng Alimodian


Dr. Floro Quibuyen



Dr. Nilo Ocampo at Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Rizal



Nilo Ocampo, Jonathan Balsamo at Raymond Alunan




Mga opisyal ng Adhika-Iloilo Chapter kasama sina Dr. Ferdie Llanes, Raymond Alunan at Jonathan Balsamo



Si Raymund Alunan ng Negros Museum Bacolod City



Dr. Nilo Ocampo



Dr. Nilo Ocampo at Jonathan Balsamo


Dr. Ferdinand Llanes at Jonathan Balsamo



Dr. Floro Quibuyen


Dominique Maquiran, Jonathan Balsamo, Randy Madrid, Floro Quibuyen, Nilo Ocampo at Joel Labos



Sunday, February 01, 2009

Ulat ng PHA 2009 General Assembly


Isinagawa nitong Enero 31, 2009 sa pambansang tanggapan ng National Historical Institute ang Pangkalahatang Pagpupulong at Halalan ng Philippine Historical Association (PHA). Ang PHA ay pambansang samahan ng mga historyador sa Pilipinas na itinatag noong 1955.

Nagkaroon ng isang minuto ng katahimikan para alalahanin at ipanalangin si Dr. Rosario Mendoza Cortes na namayapa kamakailan lamang sa Estados Unidos. Si Dr. Cortes ay emeritus professor sa Kagawaran ng Kasaysayan ng UP Diliman at dating pangulo ng PHA.

Bago ang pag-uulat ng nagdaang board of governors, nagbigay ng presidential lecture si Dr. Celestina P. Boncan na may pamagat na "Darkness after the Light: RIZAL 1887-1888". Pagkatapos nito ay nagbigay siya ng ulat ukol sa mga gawaing matagumpay na naisagawa ng PHA sa nakalipas na tatlong taon ng kanyang pamumuno bilang pangulo ng samahan. Sumunod na nag-ulat sina Dean Gloria M. Santos (executive director) at Dr. Estrellita Muhi (Ingat-yaman), ukol sa mga usaping administratibo at pinansiyal ng organisasyon.

Si Gng. Emelita V. Almosara, Deputy Executive Director ng National Historical Institute ang namahala sa pagsasagawa ng eleksiyon at nanguna sa panunumpa ng nahalal na mga bagong kasapi ng Board of Governors ng PHA.

Sa pagtatapos ng pangkalahatang pagpupulong ay nagsagawa ng organizational meeting ang bagong board upang ilatag ang bagong linya ng pamunuan ng PHA para sa taong 2009 at 2010. At ito ay binubuo nina:


  • President: Dr. Evelyn Songco, University of Santo Tomas

  • Vice President: Mr. Michael Charleston Chua, De La Salle University

  • Secretary: Mr. Jerome Ong, University of the Philippines Manila

  • Assistant Secretary: Ms. Darlene Machell Espena, De La Salle University/Ateneo de Manila University

  • Treasurer: Dr. Estrellita Muhi, former Chair of UE History Department

  • Assistant Treasurer: Mr. Orestes De los Reyes, Adamson University

  • Public Relations Officer: Mr. Jonathan Balsamo, Ateneo de Manila High School

  • Assistant PRO: Mr. Arleigh Ross De La Cruz, De La Salle University

  • Auditor: Dr. Teofista Vivar, former Assistant Superintendent, Department of Education

  • Governors-At-Large: Dr. Cesar Pobre, Armed Forces of the Philippines at Dr. Evelyn Miranda, UP Diliman

  • Immediate Past President: Dr. Celestina Boncan, National Historical Institute

  • Executive Director: Dr. Gloria Santos, St. Mary’s College of Quezon City