Kasabay ito ng kumperensiya ng PHA sa National Museum na akin ding inaasikaso bilang punong-abala. Naroon naman ang ibang mga opisyal ng PHA na handang mag-asikaso sa kumperensiya, gaya nina Jerome Ong, Xiao Chua at Darlene Espena.
Ang tema ng kumperensiya ng dalawang araw na kumperensiya ay “Social Science/Studies and History Teacher in the Face of the Global Challenges: Initiatives, Innovations, Interdisciplinarities”. Ang tuon ng mga papel at presentasyon ay ang pagpapabuti sa kalidad ng guro at pagtuturo ng kasaysayan/ araling panlipunan/ agham panlipunan, sa pamamagitan ng pagpapayaman/pagpapalawak/pagpapalalim sa nilalaman/paksa at pamararaan/istratehiya sa pagtuturo ng kasaysayan. Ang aking presentasyon ay pinamagatan kong "Pagtuturo ng Kasaysayan ng Himagsikang Pilipino: Mga Pananaw at Pamamaraan sa Paggamit ng Primaryang Batis” kung saan ay hinimok ko ang mga guro na subukan at sikaping gumamit ng mga primaryang batis (primary sources) sa pagtuturo ng kasaysayan. Nagpakita ako ng halimbawa ng mga materyales na magagamit nila sa pagtuturo ng kasaysayan ng Himagsikang Pilipino, tulad ng mga mga mapa, larawan at iba pa.
Ginanap ang kumperensiya sa RACSO’s Woodland Resort and Convention Center, sa Guimbal, Iloilo . Nagkaroon din ng lakbay-aral sa bayan ng Guimbal at Miag-ao sa ikalawang araw ng kumperensiya.
Maraming-maraming salamat sa mga opisyal ng ADHIKA-ILOILO, lalo na kina Randy Madrid at James Mozart Amsua na naging sobrang maasikaso sa amin.
Jonathan Balsamo, Floro Quibuyen, Ferdinand Llanes, at Nilo Ocampo
(kuha ng parish priest ng Alimodia, Iloilo)
No comments:
Post a Comment