Thursday, January 24, 2013

BAGONG KASAYSAYAN: PAMBANSANG SAMPAKSAAN KAY ANDRES BONIFACIO

Paanyaya mula sa Bahay-Saliksikan sa Kasaysayan (BAKAS)

PAMBANSANG SAMPAKSAAN UKOL KAY ANDRES BONIFACIO
Pebrero 18, 2013 (Lunes)
Lecture Rooms 1-4, College of Arts and Sciences
Miriam College, Katipunan, Quezon City



MGA LAYUNIN:


1)      magbigay-linaw sa kinalabasan ng mga pinakabagong pag-aaral pang-akademiko ukol sa buhay at mga gawa ni Andres Bonifacio;
2)      tipunin ang mga guro, pantas, mananaliksik at mag-aaral tungo sa pagbuo ng malalim, wasto at samakatuwid, makabuluhang pangkasaysayang batayan sa pag-unawa ng papel na ginampanan ni Bonifacio sa Himagsikan ng mga Anak ng Bayan at sa pagbubuo ng pambansang kamalayan at identidad na Pilipino. 

MGA PAKSANG TATALAKAYIN:

1) “Ang Kartilya ng Katipunan: Isang Batayang Ideolohikal ng Himagsikan;”
2) “Katipunan at Haring Bayang Katagalugan: Si Andres Bonifacio bilang Unang Pangulo ng Bansa;”
3) “Ang Pagsalakay sa Maynila: Si Andres Bonifacio bilang Istratehikong Utak Militar;”
4) “KUNG ANO ANG NAWALA. Paglaho ng Himagsikan, Pagpaimbulog ng RevoluciĆ³n: Ang Kudeta ng Tejeros at ang Dustang Kamatayan ng Supremo (Marso 22-Mayo 10, 1897);"
5) “Katotohanan at Imahinasyon: Si Andres Bonifacio sa Pinilakang Tabing”
6) “Ang Himagsikang 1896 at ang Masukal na Landas tungo sa Kasarinlan.”

LIBRE ANG PAGPAPATALA. Ang mga delegado ay bibigyan ng kit (papel, ballpen at programa) at mga Katibayan ng Pagdalo at Pakikibahagi. HINDI KASAMA ang merienda at pananghalian. May mga ipapamahaging aklat at gamit panturo kaugnay ng Kasaysayan ng Pilipinas sa pangkalahatan, at ni Gat Andres Bonifacio at Himagsikang Pilipino 1896 sa partikular.

Para sa iba pang impormasyon, maari po kayong makipag-ugnay sa Lupong Tagapamahala sa pamamagitan ng 09167473385 or sa telefax 632-9272396. Ang Ched Endorsement at DepEd Advisory ay ipopost po natin rito sa sandaling makuha natin ang mga ito. 

Ang mga pormal na liham ng paanyaya ay maari nang ma-"access" at "download" sa http://bagongkasaysayan.multiply.com/journal/item/142/PAMBANSANG-SAMPAKSAAN-UKOL-KAY-ANDRES-BONIFACIO

No comments:

Post a Comment