"Ang inaral ko for "Indio" ay ang mga Filipino epics natin. Gusto kong i-translate iyon sa soap. Pero hindi naman kasi ma-drama ang buhay nina Lam-ang o ni Labaw Donggon at iba pa. Puro adventures. Kung action lang, mito, o fantasy ang hanap -- tiyak na panonoorin iyan ng mga lalaki. Pero paano ang mga misis? O mga babaeng 40 years old and up na prime audience ng soaps? Importante sa soap na ma-capture ng isang kwento ang interest ng buong demographics ng audience: lalaki, babae, bata. Ayaw ko namang gawin ang mga Pinoy epics natin tapos sasaksakan ko ng drama at baka multuhin ako ng mga ninuno natin. Gusto kong gumawa ng bago pero ang pundasyon, ang tema, ang mito, ang kultura at paniniwala ay halaw sa mga Filipino epics." - SUZETTE DOCTOLERO, headwriter ng Indio. (
SA TINGIN NG MGA HISTORYADOR, EKSPERTO AT GURO NG KASAYSAYAN:
Bagong genre
ito: mitolohiyang pangkasaysyan, kung saan isinalaysayan ang Kasaysyan natin
matapos ang panahong mitiko ni Amaya na nagpakita ng Kapilipinuhan noong
sinaunang panahon sa pamamagitan ng pagsalaysay ng mga pangyayari sa isang
puon/kahrian at karadyahan. Ipinapakita ang pagkahiwalay ng mga
pamahyanang Pilipino (katutubo) dulot ng pagpasok ng Kastila sa pamamagitan ng
dati nang pagkakaugnay ng Ilaya (rehiyon ng kabundukan kung saan nagmumula ang
mga ilog) at Ilawud (kung saan humahantong ang illog patungopng dagat at ibayo
nitong karagatan). Mitikal na ipinakikita ang pagkapanatili ng (mga) katutubong
kalinangan sa Ilaya at ang mga pagbabago nito sa Ilawud dulot ng
pakikipagugnayan natin sa Banyaga. Nagandahan ako sa simboliksmo ng katauhan ng
magiging Indio na anak ng isang diwata [anito sa ibang dako at sa buong Mundong
Austronesyano], ang diwata ng Digma, at isang lalaking simpleng nilalang [nasa
tradisyong epiko natin ito at nagpapaliwanag sa pagkabayani ng isang
nilalalang]. Sa mitolohikal na pagsasalaysay na ito ay maliwanag na
sinisimbolisa na ang bayaning Pinoy [hindi ang heroe ng elit/elitista] ay
nagtataglay ng kapangyarihan kapwa ng Langit (cf. ang diwata ng Digma bilang
ina na ang pagmamahal sa anak ay purong damdaming Pinoy -- cf. ang ating
"pamilya" ay nakatuon sa "anak" -- i.e., isang mag-anak;
cf. gayundin ang Agilang diwata) at ng kalinangang bayan (damdaming ina; likas
ns damdaming mapag-aruga sa bayan ng bayani). Nasabi ko sa ating mga kasama na
kung sino tayo (ngayon) ay kung sino tayoi noon, sa pamamagitan at dulot ng
bayani [na mula sa Bayan (banua) at kapaniwalaan/kalinangan nito na kanyang na
siya niyang tangi at natatanging alaga at preokupasyon] tulad ni/ng (naging)
Indio at -- kung tutuusin -- ni Boni. - DR. ZEUS A. SALAZAR, retiradong propesor ng Kasaysayan, UP Diliman (Facebook comment,
January 10, 2013)
LUPANG PAYAPA (THEME SONG NG INDIO)
Sung
by Mark Bautista
Lyrics by poet Vim Nadera
Music by Von De Guzman
Lyrics by poet Vim Nadera
Music by Von De Guzman
No comments:
Post a Comment