Saturday, March 26, 2011

GLORIA MARTINEZ-SANTOS


President, Philippine Historical Association, 1971-1972
Executive Director, Philippine Historical Association, 1980-2011

Lectures and Writings

“Alternative Ways of Bringing History Closer to the People.” Paper read in the Seminar-Workshop on Oral and Local History (The Centennial Goes to the Barrios), Calaca Science Centrum, Calaca, Batangas. April 21-22, 1998.

“The Role of the Religious of the Virgin Mary (RVM) in the Struggle for Philippine Independence.” Paper read in the Seminar-Workshop on Oral and Local History (The Centennial Goes to the Barrios), Aklan College, Kalibo, Aklan. August 6-7, 1998.

“Governing During the Liberation: Sergio Osmena, Sr.” In Philippine Presidents: 100 Years. Quezon City: New Day Publishers, 1999. pp. 161-179

“The Presidents of the Postwar Republic, 1946-1965”. In Philippine Presidents: 100 Years. Quezon City: New Day Publishers, 1999. pp. 180-209

“Mother Ignacia del Espiritu Santo: Asian Model for Women” Historical Bulletin Volume XL, 2007: pp. 38-47 [Paper read at the 19th IAHA Conference held on November 25-26, 2006 at the Hotel Intercontinental Manila. PHA panel on “History in a Multi-Disciplinal World”]

The Philippine Struggle for Independence, 1896-1898: Its Impact on the Visayan Region”. Historical Bulletin Volumes XXX1-XXX11 1995-1996

Significance of Nuestra Senora de Guia”. In Philippine Historical Review Volume V, 1972. pp. 39-43.

The Teaching of History”. In Historical Bulletin Volume XVII (1973)

The struggle for Philippine independence circa 1896-1901: its impact in the Visayan region.” In Philippine revolution : the making of a nation: papers from the regional conferences held in Cebu City, Davao city, Baguio City and Dapitan City. Manila : National Centennial Commission, 1999. p. 195-206.

“Dealing with Controversial Issues in the Teaching of Philippine History.” Paper read at the PHA 2007 Annual Conference. September 2007, The National Library Auditorium. Manila

Using the Appreciative Inquiry Method in Teaching Philippine Prehistory”. Paper read at the PHA 2008 Annual Conference. September 2008, University of Santo Tomas.

Friday, March 25, 2011

Dean Gloria Martinez-Santos (1922-2011)



Nagtataka ako, mabigat at hindi maganda ang aking pakiramdam paggising ko kaninang umaga. Sa katunayan, napaisip na akong lumiban sa pagpasok sa opisina sa Intramuros. Mayroon palang darating na hindi magandang balita.

Mga alas tres ng hapon, nakatanggap ako ng text mula kay Gng. Estelita Llanita, chair ng social studies sa La Salle Greenhills at may mga kakilala sa St. Mary’s College of Quezon City kung saan nagsilbing guro at dean si Dr. Santos sa mahabang panahon. Ang balita: pumanaw na raw si Dean Santos noong umaga.

Tumawag agad ako sa bahay nila Dean upang tiyakin ang balita. Kumpirmado. Nakausap ko si Grace ang kasama sa bahay nila Dean na nag-aasikaso sa kanya. Sa burol, nakausap ko ang apo na si Malu at atake raw sa puso ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang lola.

Pagkakumpirma sa balita, tinext at tinawagan ko agad-agad ang mga officers ng Philippine Historical Association, maging sa facebook at email upang maipabatid sa mga taong nakasama, kaibigan at nagmamahal kay Dean ang balita, na nasa probinsiya at ibang bansa.
Nagkasundo kami ni Dr. Evelyn Miranda na pupunta sa burol, bilang kapamilya ni Dean sa PHA. Tinawagan ko rin si Dr. Serafin Quiason at nagdesisyon kaming dadalaw na sa gabing iyon. Ganoon din si Dr. Zeus Salazar. Tatlong historyador ang nakasama ko sa pagdalaw kay Dean Santos sa unang gabi ng kanyang burol, upang magpugay sa alaala ng isang historyador na labis na minahal ang disiplina ng kasaysayan. Habang nasa daan naman ay nakatanggap ako ng tawag mula pa sa Estados Unidos, si Dr. Nap Casambre na nagbibilin ng kanyang pakikiramay para sa pamilya ni Dean Santos. Naroon ang lungkot sa pagpanaw ng isang kasamahan at kaibigan.

Mahal ko si Dean. Sa publiko, sa mga programa ng PHA tuwing siya ay magbibigay ng opening remarks at alam niyang ako ang nagtrabaho ng gawaing iyon, lagi niya akong pinupuri. Parang lagi siyang nagpapalakas sa akin, at tuwang-tuwa naman ako. Pero pag kaming dalawa lang, pinapangaralan niya ako at binibigyan ng magagandang payo sa buhay. Noong umalis ako sa Ateneo, naku, talagang pinagsabihan niya ako ukol sa paglipat-lipat ng paaralang pinagtuturuan. Alam ko, dama ko, mahal niya ako.

Tuwing babalikan ko ang mga alaala ko kay Dean Santos, napapangiti at natatawa ako. Grabe siya humirit. Nakakamiss ang kanyang pagkakalog at mga pagpapatawa. Mga matatalino, makukuiit at malalambing na hirit. :)

Late last year, napanaginipan ko siyang nakaburol. Tinext ko agad si Mam Cely Boncan at sinabi ito sa kanya. Sabi niya, wag naman sana muna. Kaya nitong Enero, dinalaw ko si Dean sa kaniyang bahay at halos buong araw akong nakipagkuwentuhan, nakikain at nang-interview. Game na game naman siya sa pagpapa-interview. :)




Dumating nga ang annual meeting ng PHA nitong Enero at si Dean Santos din ang aming naging gabay sa pagsasaayos sa ilang mga bagay-bagay. Makabuluhan ang mga payo ni Dean sa amin. Makikita mong may wisdom. Kaya ako mismo, marami akong nalaman at natutuhan sa kanya: mula sa mga maliliit na tsismis at isyu hanggang sa mga malalaking plano at pangarap para sa PHA, sa disiplina ng kasaysayan at sa bayan.

Icon ng PHA si Dean Santos. Isa siyang institusyon. Kaya isang malaking kawalan ang kanyang pagyao. Malaki ang paghihirap ni Dean upang mapanatili ang kaayusan at pagpapatuloy ng PHA sa loob ng maraming taon, sa loob ng mahabang panahon.


Madaldal si Dean Santos. Hyper sa pagkukuwento at laging mataas ang energy. Pero makinig ka lang at sigurado marami kang matututuhan.

Madaling kausapin at lapitan. Malambing. Masayahin at hindi mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Maunawain at maaalalahanin. Maka-Diyos at makabayan.

‘Yan si Dean Gloria M. Santos. Ang aming mapagmahal na “Ina sa Kasaysayan”.

Dean Santos, mahal kita. Mahal na mahal ka namin.

Salamat sa Dakilang Manlilikha sa buhay na ipinagkaloob sa iyo na nagsilbing daluyan ng biyaya sa aming buhay.



Jonathan Balsamo

Valenzuela City

March 26, 2011

2:46 a.m.

Monday, March 21, 2011

Paggunita sa GOMBURZA 2011

Taun-taon ay ginugunita tuwing Pebrero 17 ang papel sa kasaysayan ng Gomburza. May programa at pag-aalay ng mga bulaklak na isinagawa sa Luneta kung saan daw umano ginarote ang tatlong paring martir (malapit sa Chinese Garden at sa pinagbarilan kay Rizal).

Paglalarawan ni Ambeth Ocampo: "badly designed, squat, white obelisk that marks the spot where the three priests were executed"

Pansinin ang dalawang itim na marker, muli sabi ni Ocampo: "these are two flawed markers, installed about a decade ago, that should be replaced immediately. These markers go beyond history and play on the reader’s emotions rather than simply providing the facts. Both markers are wrong to state that the garrote killed by strangulation."



Bilang mga kinatawan ng Philippine Historian Association, kami ni Xiao Chua ng De La Salle University (Vice president siya ng PHA) ang nag-alay ng bulaklak bilang pagpupugay sa alaala ng Gomburza at sa kanilang naging papel sa kasaysayan ng Pilipinas.



Kasama namin sina: Mrs. Juliet Villages (Executive Director ng National Parks Development Committee); Mayor Alfredo Lim; Mr. Ludovico Badoy (National Historical Commission); Mr. Joe Lad Santos (Acting Chairman ng NCCA); Ms Ester Azurin (Pangulo ng Kaanak at descendant ni Gen Paciano Rizal), at mga opisyal ng DepEd Manila.





"akala ko eembalsamuhin mo na kami" eh, patawang hirit ni Mayor Lim matapos banggitin ang pangalan ko upang kilalanin ang aking pakikibahagi sa programa at bilang kinatawan ng Philippine Historical Association. Unang beses na gawing patawa in public ang apelyido ko. Pero ok lang dahil natawa naman ang mga tao sa biro ni Mayor Lim. Nakapagpasaya ng tao ang apelyido ko. Okay na iyon.


Ano ba ang nangyari noong February 17, 1892? Ito ang kuwento ni Ambeth Ocampo:

"...on Feb. 17, 1872, four men — not three — were executed in Bagumbayan. Saldua was the man who implicated the three priests in the Cavite Mutiny in exchange for pardon. On the walk up the scaffold Burgos was said to be crying like a child, while Gomez and Zamora were rather recollected. Saldua walked happily, confident that the governor’s messenger would arrive at the scene on a horse carrying his pardon. When Saldua stood on the platform, he looked around vainly for the messenger that never came, and he got what he deserved and was killed first.

Gomez, at 73, was the oldest of the three priests. He blessed people on the way and is quoted to have said, “Not a single leaf can move except at the will of the Divine Creator. Since it is His will that I die at this place, may His will be done.”

Zamora ascended the platform without a word. This was not courage or calm in the face of death; he had suffered a nervous breakdown two days earlier. It could be said that he was already dead even before the garrote did him in.

Burgos was executed last and, having witnessed three deaths ahead, his was the most difficult death. After he sat on the garrote, he stood up and shouted, “What crime have I committed to die in this manner? Is there no justice on earth?”

Twelve friars then came and pushed him back into the seat. But after a bit of a struggle, he managed to stand up again and shouted, “But I am innocent. I have not committed any crime.”

One of the friars hissed, “Even Jesus Christ was without sin.”

That did the trick. Burgos then sat and accepted the inevitable.

Before the hood was placed on Burgos’ head, the executioner knelt before him and asked his forgiveness. Burgos blessed him saying, “I forgive you, my son. Perform your duty.”

So moved was the crowd that they too knelt on the ground and crossed themselves. Then when all were executed, a tension in the air caused some Spaniards to worry about a rebellion. They ran toward Intramuros for safety and a minor stampede occurred, leaving many injured. The commotion stopped when the governor-general emerged from Intramuros with trumpet fanfare, followed by soldiers who had been put on alert that morning expecting a rebellion.


"The Execution of Gomburza" by Ambeth Ocampo. Philippine Daily Inquirer: 02/18/2009


Noong 1959: Baliktanaw at Pagtanaw sa Kahapon at Bukas ng Ateneo

by Jonathan Capulas Balsamo

Saturday, June 27, 2009 at 10:37pm

(mula sa facebook note)



“God in His infinite wisdom has allotted to the Ateneo the destiny of being the nursery of Philippine nationalism.”

“Today Ateneans are in Congress, in the Cabinet, in the judiciary, in foreign service, in art, science and business – all contributors to the glory, prosperity and happiness of this nation.”


- Pangulong Carlos P. Garcia (1959)



Limampung taon na ang nakararaan, ipinagdiwang ng Ateneo de Manila ang ika-100 taon ng pag-iral nito bilang paaralan --- mula 1859 nang magbalik sa bansa ang mga Heswita at ipilit sa kanila ang pamamahala sa naghihingalong Escuela Pia (paaralang primarya ng mga Kastila) sa Intramuros, hanggang 1959 sa taong naging unibersidad ang tinitingalang paaralan ng Ateneo de Manila sa Lungsod Quezon.

Hindi lamang para sa mga kasapi ng lumalaking komunidad ng Ateneo may saysay ang sentenaryo ng paaralan. Ang pagpapahalaga at pagkilala sa sentenaryo ng Ateneo ay pambansa. Pang buong bansa. Isang “historical event of profound national significance” nga ito para kay dating Pangulong Carlos P. Garcia.

Sa kanyang talumpati sa Ateneo noong 1959, mabigat na putong ng pagkilala ang iginawad ni Pangulong Garcia sa paaralang itong pinamamahalaan ng mga Heswita. Wika niya: “Ateneo has won distinction as the cradle of modern Philippine nationalism” at “the greatest leaders in the epic struggle for our national redemption and freedom bore the signet of Atenean education.”

May ilang katanungang maikakabit sa pahayag na ito ng pangulo. Una, paano naging “cradle of modern Philippine nationalism” ang Ateneo? Ikalawa, Sinu-sino ang mga tinutukoy niya na “greatest leaders” mula sa Ateneo sa sinasabi niyang “epic struggle for national redemption and freedom”? Sobrang papuri, di ba?

Bagaman mabulaklak at mapalabok ang talumpati, sa kabilang banda, maituturing itong lagom ng 100 taong pag-iral ng paaralan. Mahihimay sa kabuuan nito ang mga patunay buhat sa kasaysayan ng Ateneo na ginawang basehan ng pangulo sa kanyang pagdakila sa Ateneo ng noon at mapanghamon na pagtanaw sa Ateneo ng susunod na dantaon.


Ang Kontribusyon ng Ateneo sa Pagbubuo ng Bansa (Nacion)

Sa kanyang talumpati tinukoy ni Pangulong Garcia ang bahagi ng Ateneo sa sinasabi niyang “makabagong kasaysayan ng Pilipinas”:

  • “the pens that first pricked the conscience of Spain”
  • “the life offered at the altar of supreme sacrifice that the Filipino Nation might come to life”
  • ‘the leaders of the Revolution of 1896 who sat in the high councils of the First Republic and were among its generals and soldiers in the field”
  • “those that swelled the ranks of Nacionalistas led by the triumvirate of Osmena-Quezon-Palma that spearheaded the struggle for independence through peaceful means in the early days of the American regime”
  • “those who penned the Constitution of the Republic of the Philippines – they were all bright stars in the constellation of illustrious Ateneans”
  • “Today Ateneans are in Congress, in the Cabinet, in the judiciary, in foreign service, in art, science and business – all contributors to the glory, prosperity and happiness of this nation.”

Mapalilitaw rito kung ano ang pangunahing bahagi ng Ateneo at kontribusyon nito sa bansa --- ang kanyang bunga bilang paaralan: mga kabataang hindi lamang tinuruan at pinagtapos ng kurso kundi mga kabataang pinagsikpang hubuging ganap sa tradisyon at mga prinsipyong isinusulong nito, para sa kadakilaan ng Diyos at kapakanan ng Bayan. (Pero dapat ding isasip na tulad din ng iba, meron din itong bulok na bunga.)

Cradle, seed bed at nusery ng Nasyonalismo ang Ateneo

Dahil produkto ng edukasyon sa Ateneo ang marami sa mga namuno, nanguna at nagtaguyod ng pagpapabuti ng kalagayan ng Pilipinas o mapalaya ito sa masamang lagay noong panahon ng mga Kastila, igigiit sa buong talumpati ng pangulo ang Ateneo bilang “cradle”, “seed bed,” at “nursery” ng “Philippine nationalism”. Ano ba ang meron sa edukasyong ipinagkakaloob ng Ateneo sa mga estudyante nila para manganak ito ng mga taong tutugon sa pangangailangan ng bayan noong panahong iyon?

Bago si Garcia, pasagutin muna natin dito si Rizal na nag-aral nang limang taon sa Ateneo at kinikilalang pangunahing bayani ng bansang ito. Sa kanyang nobelang El Filbusterismo, ipinakita niya sa buhay ni Basilio ang tingin niya sa Ateneo noon. Sa limang taong pag-aaral ng haiskul, ang unang apat na taon ay kinuha ni Basilio sa Letran na hawak ng mga Dominiko. Sa pag-aaral niya sa Letran naging kalunos-lunos ang kanyang pag-aaral: walang pakialam ang mga guro, hindi maaayos ang paraan ng pagtuturo, at puno ng diskriminasyon at pamamahiya. Natuto lamang siya sa sariling pagsisikap at pagnanais na matuto. Inilipat siya ni Rizal sa Ateneo sa huling taon (ikalimang taon). At dito, maikukumpara ang edukasyon sa ilalim ng mga Dominiko sa edukasyon sa kamay ng mga Heswita. Kahit isang taon lamang siyang nag-aral sa Ateneo, puring-puri ni Basilio ang mga Heswita: ang kanilang maayos na paraan ng pagtuturo at pagmamalasakit sa mga mag-aaral. Ito rin ang itinatangi ni Rizal sa kanyang pag-aaral sa Ateneo. Mapapatunayan ito sa buhay at mga liham ni Rizal. Sa katunayan, maging si Rizal ay nakapagsabing siya rin ay posibleng naging Heswita, kung hindi lamang sa mga kaganapan sa Pilipinas noong 1872.

May natatanging katangian ang edukasyon at tradisyon sa Ateneo ng mga Heswita.

Kinilala ni Garcia sa kanyang talumpati ang papel ng mga Kastilang Heswita na guro noon sa Ateneo. “(They) have contributed so greatly to the development of Philippine nationalism,” wika niya. Paano? Una, umigting ang usapin ng sekularisasyon (Pagsasa-Pilipino ng mga parokya na nagbigay daan sa usapin ng nasyonalismo at Pagka-Filipino) sa kanilang pagbabalik noong 1859. Ikalawa, hinubog ng mga Kastilang Heswita ang mga magiging lider ng rebolusyon para sa kalayaan ng Pilipinas (“Jesuits have trained their own best enemies, from Voltaire and Rizal to our time”).

Sa paglaban sa mga Kastila, isa sa mga nais mangyari ng mga rebolusyonaryo ay ang pagpapalayas sa mga prayleng Kastila pero lumalabas na hindi kasama rito ang mga Kastilang Heswita. Itinatangi sila. Ang paliwanag dito, ayon kay Garcia, ay sa Ateneo, ang mga Kastilang Heswita “encouraged and satisfied the unquenchable thirst of the emergent Filipino Nation for an equal opportunity, without racial discrimination or obscurantist prejudice, for knowledge and progress”. Sa obserbasyon naman ng isang journalist na Pranses na nasa Pilipinas noong panahon ng himagsikan: “if the Tagals (Tagalog) seemed to equally detest Dominicans, Franciscans, Augustinians and Recollects, they make an exception of the Jesuits, who are responsible for secondary education and have earned a reputation for tact and liberalism.”

Ang nasyonalismong itinuro ng mga Kastilang Heswita ayon kay Garcia ay “Spanish Nationalism” at hindi “Filipino nationalism.” Kabalintunaan ito. Pero sa tingin niya “the Spanish Jesuits if they were bad Spaniards, were after all good teachers” dahil “they taught Rizal and his generation that Filipinos and Spaniards were equal; that application, resourcefulness and natural talent, irrespective of name or colour or wealth, were titles to reward; and, above all, that knowledge was an end desirable in itself and open for all.”

Dahil sa maayos na pagtuturo at pagmamalasakit sa kanilang mga mag-aaral, naibahagi ng mga Kastilang Heswita sa kanilang mga Pilipinong mag-aaral hindi lamang ang mga kaalamang kakailanganin nila para sa kanilang sariling pag-unlad kundi maging ang nasyonalismo o ang damdaming makabayan na aapaw sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon at hahantong sa pagbuo ng bansang Pilipinas at paghiwalay o paglaya mula sa tanikalang gumagapos sa kanya a Espanya.

Sa madaling salita, pinasimulang lamanan ng Ateneo ang utak ng mga taong tulad ni Rizal ng mga kaalaman at prinsipyong gigising sa kanila at magagamit din nila para sa pagsusulong ng kanilang layunin sa buhay: ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga Pilipino at ng Pilipinas. Pero dapat ding sabihin na sa kabilang banda, may mga Pilipinong lumaban noon na may sariling pinaghuhugutan ng kaisipan sa pagtatamo ng kalayaan at pagbubuo ng bayan. Hinugot nila ang mga kaisipang ito mula mismo sa kalinangan ng bayang Pilipino, nariyan na bago pa man dumating ang mga Kastila at Heswita.

Pagtanaw sa susunod na dantaon: Mga Hamon sa Ateneo

Sa kabuuan ng pagbaliktanaw niya sa nakaraan ng Ateneo, nagbigay pa ng isang lagom si Garcia: “it cannot be gainsaid that the old Ateneo Municipal was a tremendous liberating force for the energies and self-confidence of the developing Filipino Nation.” Ito ang naging papel ng Ateneo noon sa pagbubuo ng bansa. Ano naman kaya ang papel ng Ateneo ngayon sa patuloy na pagbubuo ng bansa?

Kaugnay ng paglingong ito sa “glorious past” ng Ateneo ay hindi maiiwasang tanawin ang hinaharap, ang “grandiose future” ng paaralan. Dito, dalawang mahalagang papel ang nakikita niyang gagampanan ng Ateneo sa larangan ng edukasyon sa susunod na isaandaang taon, na parehong nasasalalay sa “great tradition” ng mga Heswita.

Una, isang misyon para sa bansa. Mula sa kaniyang panahon, ginawang halimbawa ni Garcia ang “intensive emphasis on scientific education” ng Unyong Sobyet na kinakatawan ng “Sputnik” at “Lunik” na nagsisilbing hamon sa pagpapaunlad ng agham sa buong mundo noon. Inamin niyang sa Pilipinas , wala tayong pera at teknikal na pagsasanay. Pero higit pa sa pagpapalipad ng satellite o nuclear weapons, ang nakikita niyang positibong dulot ng maunlad na agham na magagamit sa pagpapaunlad ng bansa, sa agrikultura, sa paglinang ng likas na yaman tulad ng mga mineral at marami pang iba na makatutulong sa pag-unlad ng bansa. Hamon daw sa atin kung paano nagawa ng Unyong Sobyet na maiangat ang antas ng edukasyon at agham nito mula sa isang henerasyong binubuo ng “illiterate peasants”. Ang hamon dito ay dalawa: pagpapaunlad sa antas ng edukasyon (lalo na sa larangan ng agham) para magamit sa pagpapaunlad ng lipunan; at pagpapaabot ng edukasyon sa masa – sa nakararaming tao na sa tulong ng edukasyon ay gaganap sa pagpapaunlad ng bansa.

Ano ang batayan ni Garcia sa pagtatakda ng hamon na ito sa Ateneo? Dahil daw sa “scientific tradition” ng Ateneo ay makakaya nitong manguna sa pagtugon sa pagpapaunlad ng agham sa bansa. Nagbanggit ng mga patunay rito si Garcia:

Sa Ateneo nagmula ang unang Filipino botanist, si Leon Ma. Guerrero.
Sa Ateneo rin galing ang “most eminent chemist” noon, si Anacleto del Rosario.
Mayroon ito dating “Ateneo Museum” na naglalaman ng Philippine natural science na kilala sa buong mundo
nakabuo ito dati ng “community of scholars and scientists” na nagtuturo ng Classics at nagtayo ng “Manila Observatory”

Binanggit din niya ang galing sa iba’t ibang larangan ng mga kasapi ng Kapisanan ni Hesus – may mga doktor, historyador at siyentipiko. Ang lahat ng ito ang magsisilbing dahilan ng pag-asa na ang Ateneo de Manila ay muling mangunguna sa buong bansa sa larangan ng edukasyon at agham.

Ikalawa, misyon sa mundo. Pagtatakda niya sa Ateneo: “Give a home in the Philippines to ancient cultures and philosophies of Asia, and send forth in return the principles and doctrines of a Christian democracy.” Paano? Ayon kay Garcia, Ateneo “ is in perfect position to interpret Asia and the West to one another”. Nakapook ito sa Asya at nakapalibot dito ang mayamang kultura at tao ng Silangan. Sa kabilang banda, taglay ng edukasyon noon sa Ateneo ang “unique command of classic western philosophies, both Greek and scholastic”. Dahil dito, nasa tamang posisyon ang Ateneo at may kakayanan itong maging tulay ng silangan at kanlurang kultura at tradisyon. Kuhang-kuha ito ng matalinghagang larawan ng magiging Ateneo ng bukas: “I see in the Ateneo de Manila of the next hundred years an Academy of Asia, where Aristotle and Plato may converse with the Seven Sages of Bamboo Grove, and the lofty austerities of Aquinas may be warmed by the humility and loving kindness of Gandhiji.”

Ang Ateneo de Manila sa susunod na isandaang taon, sa pananaw ng presidenteng ito ng Pilipinas ay magiging “Academy of Science” at “Academy of Asia.” At para ilarawan ito, sinabi niyang umaasa raw siyang makakakita ng isang bago at mas malaking “Scientific Museum” katabi ng “Gymnasium” at “Chapel.”

Limampung taon na ang nakaraan nang minsang balikan ng isang pangulo ng bansa ang kasaysayan ng Ateneo para gawing batayan ng kanyang pagtanaw sa isang bukas na hindi lamang eksklusibo para sa Ateneo, ngunit para sa buong bansa. Nakita niyang maaaring maging kasangkapan ang Ateneo sa paglalatag ng landas tungo sa kaunlaran ng bayan, sa pagbubuo ng isang tunay na matatag na bansa. Nasa gitna tayo ngayon ng dantaon na iyon. Sa tingin mo, kaya kayang maabot kundi man mahigitan ng Ateneo ang mga hamon at pagtatakdang ito sa kanya?

150 na ang Ateneo. Oo, 150 na tayo. Tayo ang Ateneo. Nasa atin ito. Darating ang panahong aalis o lilisanin din natin ang Ateneo. Pero kailanman, hindi maiaalis sa atin ang Ateneo. Nasa atin ito.

Pero gaano nga ba katotoo sa atin ang diwang Ateneo?




(Sana nga lang si Garcia ang gumawa ng speech niya :-j Hindi nga pala Atenista ni Garcia. Tubong Bohol siya at nagtapos sa Silliman.)

Ang talumpating binabanggit ay ang Commencement Speech (One Hundred Years of the Ateneo de Manila) ni Pang. Carlos P. Garcia noong March 15, 1959 na nalathala sa Philippine Studies Vol. 7, No. 3. 1959: 263-270

BAKAS Conference 2011: Kasaysayan at Kalinangan

"Kasaysayan at Kalinangan: Ang Bagong Kasaysayan sa Unang Dekada ng Ika-21ng Siglo.
"

Ika-9 na Pambansang BAKAS Seminar-Workshop ukol sa Historiograpiya at Agham Panlipunan sa pakikipagtulungan sa Ortigas Library Foundation at National Historical Commission of the Philippines.

Mayo 10-12, 2011

Ortigas Foundation Library, Ortigas Building, Pasig City


[Ang mga naunang anunsyo na inilabas ng DepEd at Ched na nakapetsang Mayo 4-6, 2011 ay pinalitan na ng Mayo 10-12, 2011 at nakatakdang lumabas sa mga websites ang mga
rebisadong bersyon sa darating na linggo]

Pagpaparehistro ng mga Kasapi (Php 2,500)
Pagpaparehistro ng mga Di-kasapi (Php 2,800)


Nakapaloob:
1) Seminar Kit (programa, elektronikong kopya ng mga papel/abstrak/presentasyon ng mga tagapagsalita at mga larawan ng seminar/delegado, at iba pa);
2) Libreng aklat;
3) Merienda sa umaga at hapon; at tanghalian para sa tatlong araw; at
4) Katibayan ng pagdalo at pakikibahagi.

[Bukod sa nabanggit sa itaas, ang mga kasapi ng BAKAS ay makatatanggap ng aklat. Ang lahat ng delegado ay may pagkakataon ding makakuha pa ng mga kasangkapang panturo, aklat, mapa at iba pa]

Para sa maagang pagpapatala at/o mga paglilinaw, paki-kontak lamang si Ces sa 927-2396.

Maraming salamat at kita kits! :-)

Mula sa: http://www.facebook.com/event.php?eid=137705949631968


ADHIKA-Iloilo Conference on May 12-13 at UP Visayas

Paanyaya sa mga guro ng kasaysayan sa Western Visayas: Seminar sa Pagtuturo ng Kasaysayan. Kontakin si Prop. Randy Madrid ng UP Visayas para sa mga detalye sa email: madridmrd@yahoo.com.


ASOSASYON NG MGA DALUBHASA, MAY HILIG AT INTERES SA KASAYSAYAN (ADHIKA)

Iloilo Balangay

c/o Center for West Visayan Studies

UP Visayas, Iloilo City

Telefax: (033) 338-1894

E-mail: madridmrd@yahoo.com


Ika-5ng Pang-rehiyunal na Kumperensya ng ADHIKA-Iloilo

OCEP Training Room, 2nd Floor, GCEB Building, UP Visayas, Iloilo City

Mayo 12-13, 2011



“Limbagan ng mga Akdang Rehiyunal at ang Kanilang Ambag sa Kaalamang Pangkasaysayan at Pangkalinangan”

Dr. Lars Raymund Ubaldo

ADHIKA President, 2011-2014

De La Salle University Manila


“Ang Integrasyon ng Gender Equity sa Instruksyon”

Profs. Jeannete Simpas & Eleonor Sunio

West Visayas State University


“Ang Istaylistiks ng Pagkukuwento ng Sugilanon sa mga Tsikiting”

Dr. Erwin Sustento & Mr. Cary Pangantihon

University of San Agustin


“Imahinasyon sa Pagtuturo ng Kasaysayan: Ilang Tala at Halimbawang Gawain”

Mr. Jonathan Balsamo

Philippine Historical Association/Heroes Square


“Ang Kahalagahan ng Museong Pambata sa Pagtuturong Araling Panlipunan at Kasaysayan"

Prof. Randy Madrid

National Director, ADHIKA-Visayas Cluster, 2011-2014


“Himig Noypi: Paggamit ng Kontemporarynog Kantang Popular sa Pagtuturo nga Kasaysayan”

Mr. Alvin Campomanes

University of Asia and the Pacific


Rap Session: Tribute to Francis Magalona

Mr. Alvin Campomanes


“Konsepto, Batis at Kapamaraanan: Mga Alternatibong Istratehiya sa Pagtuturo ng Heograpiya, Sibika, Makabayan at Araling Panlipunanan sa Mababa at Mataas na Paaralan”

Dr. Vicente Villan

ADHIKA VP-Internal, 2011-2014

University of the Philippines – Diliman


Updates and Insights on Rizal @150

Dr. Vicente Villan & Mr. Jonathan Balsamo


Ayala Museum book launch and lecture on March 24: “Philippine Ancestral Gold.”



New book on ancestral gold
Philippine Daily Inquirer: 03/21/2011

AYALA MUSEUM releases the much-awaited book “Philippine Ancestral Gold.” It provides the historical context of the treasures in regions of the Philippines and a scholarly reference of the archeological and historical implications of the museum’s collection "Gold of Ancestors: Pre-colonial Treasures in the Philippines."

Ayala Corporation chair emeritus Jaime Zobel de Ayala states: “Assembling the collection and publishing this book was simultaneously a discovery, a partnership, and a celebration. It is a fitting tribute to the artistic achievements of our ancestors and highlights our country’s rich pre-colonial history.”

“Philippine Ancestral Gold” is edited and authored by Florina Capistrano-Baker, former Ayala Museum director, co-written by John Miksic and John Guy, curator of South and Southeast Asian Art at the Metropolitan Museum of Art in New York City. The book also features images by photographer Neal Oshima.

Baker will hold a lecture on March 24, 4 p.m., at Ayala Museum, about gold items from Butuan. Willy Ronquillo and Eusebio Dizon of the National Museum will also join in the panel of speakers.

The book is available at the Ayala Museum Shop. “Gold of Ancestors: Pre-colonial Treasures in the Philippines” is curated by Baker and makes up a third of the “Crossroads of Civilizations” exhibition at Ayala Museum, Makati Avenue cor. De la Rosa Street, Greenbelt Park, Makati City.

Call 757-7117 to 21; visit www.ayalamuseum.org; or email museumshop@ayalafoundation.org.

Juna Luna @ 150 (Ilocos 2007)


Noong Oktubre 2007 ay mapalad akong nakasama sa isang "pilgrimage" na inorganisa ng National Historical Institute upang gunitain ang 150 birth anniversary ni Juan Luna. Patungong Vigan, Ilocos Sur at Badoc, Ilocos Norte kung saan ipinanganak si Luna, ay nakasama ko ang ilang mga kilalang pintor ng Pilipinas at mga kinatawan mula sa cultural agencies ng pamahalaan gaya ng National Museum, NCCA, National Archives at Natioal Library. Kasama namin si Juan Sajid Imao (ang gumawa ng bronseng monumento ni Luna sa Badoc) at ang pambansang alagad ng sining sa paglilok Napoleon Abueva.




Hapon na kami dumating sa Vigan at ang una naming pinuntahan ay ang ancestral house ni Padre Jose Burgos. Ito ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Pambansang Museo. Tila napabayaan ang estado ng museo noon, sana maayos na ito sa ngayon.


Kinagabihan ay may programa at hapunang inihanda ang pamahalaang lokal ng Vigan para sa delegasyon.

Kinabukasan ay nagtungo na kami sa Badoc, Ilocos Norte para sa programa ng pag-alaala kay Luna. Naroon sina Ilocos Sur governor Michael Keon at Propesor Santiago Pilar na eksperto sa mga likhang sining ni Luna.


Kasama sina Mrs Emelita Almosara at National Artist Napoleon Abueva


Sa bintana ng Juan Luna Shrine



On the spot na pagguhit ng portrait ni Governor Keon. Yung mga guhit na nagustuhan niya ay binili niya on the spot din!



kasama si Juan Sajid Imao


mga descendants ni Juan Luna


sa loob ng kuwarto ng bahay Luna



bilang official photographer ni Napoleon Abueva sa araw na ginunita ang 150th birth anniversary ni Luna


Monumento ni Juan Luna sa harap ng munisipyo ng Badoc, Ilocos Norte

Mayamang karanasan at dagdag na kaalaman ang baon ko pauwi ng Maynila. Madaling araw na kami nakarating sa tanggapan ng National Historical Institute. Doon na ako natulog sa RPHD kasama ng iba pa. Maaaga akong umalis ng NHI dahil kailangan kong dumeretso sa Ateneo para sa aking interview sa mga associate principals ng High School. Isang araw bago ako umakyat pa-Ilocos ay nag-demo ako sa Ateneo. Habang nasa daan pauwi ng Maynila ay nalaman kong ako ang napili sa mga nagdemo at kailangan kong bumalik para sa interview.

Noong umagang iyon, bago ako umalis ng NHI at sumalang sa mga panayam ay isang pagbati ng "Good luck" ang ibinigay sa akin ni Ms Minda Arevalo. Walang ligo-ligo at walang palit-palit ng damit, nagpunta ako ng Ateneo at humarap sa 3 assistant principals para sa final interview. Tatlong taon ako mananatili sa Ateneo.

Kapag pinag-uusapan si Luna, naaalala ko lagi ang aking pagkapasok sa Ateneo High School, sa paaralan kung saan din siya nagtapos noong ikalawang hati ng ika-19 na siglo.

Tuwing mababanggit si Luna sa klase, di puwedeng palampasing pag-usapan ang tatlong bagay hinggil sa kanya:

1) ang Spoliarium at ang kanyang katanyagan

2) ang pagkamahal-mahal na Parisian Life

3) ang favorito ng marami: ang pagkapatay ni Luna sa kanyang misis sa Paris


"There is so much material that has come up since the standard works on Luna were published, and his 150th birth anniversary is a good time to get people interested in him again. However, when Luna’s life and work are reassessed in the light of new information and newly recovered artworks, he should be studied not as a patriot right away but first as a person, then as an artist to provide context and value to his life and work as one of our national heroes."

- Ambeth Ocampo
"Juan Luna’s works". Philippine Daily Inquirer: October 24, 2007


Tuesday, March 15, 2011

Baguio 2010


48th National Rizal Youth Leadership Institute (NRYLI) Conference
December 16-18, 2010
Teachers Camp, Baguio City
Theme: The New Rizals: ELIAS (Emerging Leaders Innovating Across Sectors)


Bago matapos ang 2010 ay muli akong nakaakyat sa Baguio para sa taunang kumperensiya ng Order of the Knights of Rizal sa Teachers Camp. Muli akong nakasama sa NRYLI sa pamamagitan ni Sir Edgar Rosero, Administrative Officer ng Knight of Rizal, kung saan ay kinuha niya akong hurado para sa essay writing contest sa High School level.

Unang beses akong nakasama at naghurado sa NRYLI noong 2006 nang isinama ako ni Dean Amalia Rosales ng PUP, na aking nanay-nanayan noong estudyante pa ako sa aking sintang paaralan, ang PUP. Nanghihinayang ako na noong college ako ay hindi ako nakadalo sa NRYLI.

Habang nasa Baguio, kinontak ko ang kaibigang si Adonis Elumbre na nagtuturo ng kasaysayan sa UP Baguio. Nagkita kami sa SM Baguio at nagpasiyang magkape sa Session
Road. Dadalhin niya sana ako sa museum ni Bencab kaya lamang ay hapon na at baka mahirapan kami sa sasakyan pauwi.

Naisip naming kumain na lamang at dinala niya ako sa Oh My Gulay! Isang art gallery at vegetarian resto sa Baguio na pagmamay-ari ng film maker na si Kidlat Tahimik. Kung kilala ninyo ako, alam ninyo ang oorderin ko: Spaghetti! :)


Nagkape kami at nagkuwentuhan ukol sa mga bagay-bagay sa mundo ng kasaysayan --- buhay-historyador, pagtuturo, pati si Rizal ay napag-usapan namin.

Mula sa aming puwesto ay ito ang makikita:

Hanggang sa mag-gabi:





Burnham Park sa gabi.

Bago kami nagkita ni Adonis, naglibot-libot muna ako sa Baguio. At ito ang ilan sa mga nakita ko:


Session Road Marker

Sabi ng wikipedia: "Session Road derives its name from the fact that it used to lead up to the old Baden-Powell Hall, where the first Philippine Commission held its sessions from April 22 to June 11, 1904 and officially initiated the use of Baguio as the Philippine Summer Capital. A marker by what is now Baden-Powell Inn, right beside the enormous bus terminals on Governor Pack Road, stand as the only visible evidence that anything of historical significance ever took place on Session Road."

Baguio-Mountain Provinces Museum

Diorama ng "Bodong" ng Kalinga


Sa huling araw ng kumperensiya, nagtungo sa Rizal Shrine ang mga delegado upang mag-alay ng bulaklak at magbigay-pugay sa alaala ni Rizal. Upang ipakita na mahalaga ang "pagkilos" o "aksiyon" sa pagsunod sa mga aral ni Rizal, pinangunahan ng pamunuan ng Knights of Rizal ang paglilinis sa dambana. Ang sama-samang paglilinis na ito ay simbolo ng sama-samang pagkilos para sa pagbabago at ikagaganda ng kalagayan ng Pilipinas.


Kasama ko sa Textbook House ang mga beterano ng Knights of Rizal na naging kakuwentuhan sa maraming aral ng buhay at kasaysayan. Minulto nga pala kami sa Textbook house!


Sinisikap kong maaga gumising upang libutin ang Teachers Camp:


Ilan pang kuha noong kumperensiya:

with Supreme Court Spokesperson Midas Marquez

Ilocos Sur Vice Governor Jerry Singson,
Supreme Chancellor ng Order of the Knights of Rizal

Seremonya sa pagbubukas ng kumperensya

Dr. Amalia Rosales and Prof. Childa Magallanes


Sirs Valentin, Manny Calairo, Choy Arnaldo, Reghis Romero at SonnyChico

with Dean Manny Calairo of De La Salle University Dasmarinas

with the officers of the Order of the Knights of Rizal led by Supreme Commander Pablo Trillana III (3rd from the right)


Maraming aral na iniwan si Rizal na maaring maging gabay ng mga kabataan sa ngayon. Hindi lamang pagkilala kay Rizal ang kabuuan ng kumperensiya. Pagkilala itong higit sa sarili ng mga kabataang dumalo -- pagkilala sa kanilang sarili bilang kinabukasan ng bayang ito.

Malaking hamon sa lahat ay kung paaano maisasabuhay ang mga aral at kaisipan na pinamana sa atin ni Rizal.