Mayamang karanasan at dagdag na kaalaman ang baon ko pauwi ng Maynila. Madaling araw na kami nakarating sa tanggapan ng National Historical Institute. Doon na ako natulog sa RPHD kasama ng iba pa. Maaaga akong umalis ng NHI dahil kailangan kong dumeretso sa Ateneo para sa aking interview sa mga associate principals ng High School. Isang araw bago ako umakyat pa-Ilocos ay nag-demo ako sa Ateneo. Habang nasa daan pauwi ng Maynila ay nalaman kong ako ang napili sa mga nagdemo at kailangan kong bumalik para sa interview.
Noong umagang iyon, bago ako umalis ng NHI at sumalang sa mga panayam ay isang pagbati ng "Good luck" ang ibinigay sa akin ni Ms Minda Arevalo. Walang ligo-ligo at walang palit-palit ng damit, nagpunta ako ng Ateneo at humarap sa 3 assistant principals para sa final interview. Tatlong taon ako mananatili sa Ateneo.
Kapag pinag-uusapan si Luna, naaalala ko lagi ang aking pagkapasok sa Ateneo High School, sa paaralan kung saan din siya nagtapos noong ikalawang hati ng ika-19 na siglo.
Tuwing mababanggit si Luna sa klase, di puwedeng palampasing pag-usapan ang tatlong bagay hinggil sa kanya:
1) ang Spoliarium at ang kanyang katanyagan
2) ang pagkamahal-mahal na Parisian Life
3) ang favorito ng marami: ang pagkapatay ni Luna sa kanyang misis sa Paris
"There is so much material that has come up since the standard works on Luna were published, and his 150th birth anniversary is a good time to get people interested in him again. However, when Luna’s life and work are reassessed in the light of new information and newly recovered artworks, he should be studied not as a patriot right away but first as a person, then as an artist to provide context and value to his life and work as one of our national heroes."
No comments:
Post a Comment